Pintang Larawan Ng Nakaraan
- Potchie. P
- Feb 21, 2018
- 5 min read
Sarap Maging Bata
Tunay nga namang napakasayang balikan ang ala ala ng pagiging bata . Teka, parang ang tagal na pala ng panahong lumipas . kailan ba ‘yung panahong ako’y bata pa? ah! Oo naalala ko na. 2003 noon akoy 5 taong gulang pa ito yung taong hinding hindi kumukupas sa aking isip ika ngay mga larawan ko na lang ang kupas . sino nga ba ang di nakakalimot nang uso pa ang suot kong Jumper at di pa umu usbong ang saluti para sa aming mga paslit na walang ibang gawin kundi ang umiyak , umiyak buong araw ! Pano ba naman maghapong wala akong kasamang kapatid sa bahay isa pa nakakainis yung panahong yun kapag walang ibang gustong ipagawa ang nanay kundi sundin ang makapangyarihan niyang utos na “Matulog tuwing tanghali” oo nakakainis kaya to’dagdag pa niya, kailangan daw yun para tumangkad paglaki, e ano ngayon ? nasan yung hustisiya sa katwirang yun? Ee sinunod ko naman ee pero 5’2 naman bagsak ko. Pag ayaw ko noon, siyempre palo ang aabutin ko. Pero sa kabilang banda masaya rin naman noon, lalo pag uwian na sa hapon nina ate at kuya , inaabangon ko lagi yun yung PASALUBONG nila saking “hamburger’ sig singko pesos palamang noon , maliit na bans na nilagyan ng ordinaryong patty at ketsap sapat na para sa kumakalam na tiyan---- lagging ganyan ang eksena kaya masaya talaga ang buhay ko noon bilang bunso sa pamilya, Naalala ko bigla isang araw umiwi si kuya kong grade 4 palang noon, may bitbit siyang isang supot ng chocolate biscuit nako ang sarap masaya pa nga niyang kinuwento kay nanay galling daw yun sa naaksidenteng track ng Rebisco sa mismong harap ng kanilang eskwela so, ayun pinagkaguluhan nilat pinulot yung mga biscuit na nagkalat daw sa lansangan. Siyempre sa kwentong ito hindi naman magpapatalo ang nagging parte ni tatay sa buhay ko. Isang ice buko vendor siya noon kaya bago lumarga kasama ang kaniyang bisikleta sa tanghali, inihahatid niya muna sakin yung paborito kong pinipig flavor kundi magtatampo ako. Tuwing weekend naman, lugi siya sa akin, pagkagising ko sa hapon kailangan niya akong hanapan ng paborito kong “Piatoss” o kaya nama’y yung biscuit na korteng pahaba na may palamang tsokolate na nakalagay sa baso? Alam mo yon di kona rin maalala yung pangalan ee, o di kaya yung jellatin na hugis bilog na may kutsarita ba? O di nama’y yung frutas at nata de coco o diba nasaan na kaya yung mga pagkaing yan? Ganyan oo, ganyan ang ruta ng buhay ko noon naranasan ko talaga ang pagmamahal at arugang pinaramdam ng aking pamilya kahit man akoy makulit at tampuhin na medyo lampa .
Laro Ng kahapon
Siyempre bilang bata, mawawala ba naman ang laro sa amin? Naranasan ko na rin yan pero bago ang lahat subukan ko munang balikan yung iba pang libangan nung araw. Kung ang akala mo’y bago samin yang doraemon? Pokemon? slumdunk? Ghost fighter? Diyan ka nagkakamali kaibigan, memorize na naming yan . yan yung sinusubaybayan ko tuwing hapon kasabayan ba ng Deysisiete at startalk. Tuwing alas kwatro naman andyan na yung uwian ng mag-aaral oras ng Dragon ball a b hangang z? ah hindi , hindi lang talaga sa dragon ball nasasabik umiwi ang mga estudyante noon kundi yung Taiwanese na palabras noon yung sikat na F4 tuwing alas singko . Hay, diko malilimutan talaga noon kung gaano nakaapekto ang palabras na ito nina sansei at vic sa buhay nina ate yung naglipana ang mga karting poster nila mula sa dingding hanggang sa teks na laruang bata ayun paskil at pagarbuhan ng mukha ng kanilang tinitilian at sinusuportahang lalaking bagay para kay Sansai! Sige dadako na tayo sa laro . ahm, simple lang ang libangan ko noon . ako ay palakaibigan noon kaya marami rin akong nagging kaibigan kababata, at mismong mga pinsan ko rin ang kalaro sa isang silong ng malaking puno ng manga sa amin Malaki ang nagging papel ng punong yun sa amin doon an gaming tagpuan at ng iba bang mga bata at maging barkada ng ilang mas nakakatanda sa amin. Doon ay makikita ang mga nagllaro ng bahay bahayan, sungka sa lupa, patentero, luksong baka at napakarami pa! dika mauubusan ng laro dahil halos marami akong kasabayan noon. Pero ang pinkapaborito ko sa lahat, yung Tagu taguan oo ang saya nun’ …….. ang sayang maging “SALI PUSA”. Mahabang oras din ang gugugulin ko para makipaglaro pero siyempre may limitado kung alas singko pasado na asahan mong susundan ka na ng nanay na may hawak pang pamalo sap pwet mo o di kaya’y yung mismong tsinelas mong rambu ang isusunggab sayo! Ibahin mo talaga ang laro noon pero higit pa dun ay ang mga larong pwede rin namang di gawin sa silong ng punong manga. Nariyang nabuo ang yoyo, jollens , clay, rubber, turompong kahoy, at ang butot balat lumilipad tuwing bakasyon! Pero ang pinaka gusto ko sa lahat ng imbensyon noon: Jak’s stone , beblade ,at teks (yung may hitsura ng marina , voltes V etc) at siyempre yung sig pipisong laruang takuri na may lamang kendi sa loob, kumpara naman sa Paper doll ni ate o yung clay alien na may pambihirang amoy o yung soldier’s car at miniature na binibili ni kuya. Ito pa ang malupet nun’ ang mga larong ito na pa premyo ang mik mik, pulburon at tira tira na kay hirap maubos! Diba ang saya ng laro ng kahapon? Walang katumbas! Pero sa pagkakaalam ko, pambihira nang Makita ito at ,maranasan pa ng ilang bata ngayon , pano mas nakakalamang ngayon ang naglipanang laro at libangan ngayon at mas iisipin mo na lang talagang masaya rin ang pag pepeysbuk at panunuod ng KMJS at PGT.
May Photo Boomer na Noon!
Pamilya talaga ang bumuo sa akin noon. Nagising akong kumpleto kami at mabubuhay akong kumpleto pa rin kami. 2005 ng una kaming nagkaroon ng “ family picture” bagay na hindi ko alam kung ano bang ibig sabihin nun ee ingles nga . pero ang naalala ko lang noon naghanda talaga ang nanay at tatay ng bongga. Nakaguhit pa rin saking isipan ang pagiging aligaga at pagka abala nila para don. Apurado ang lahat samantalang ako itong kahit pinapaliguan na panay parin ang tanong kay kuya anong ganap kuya? Haha . yun nga mamamalengke raw kami at magluluto ng masarap si nanay, araw yun ng Linggo kung di ako nagkakamali. Sakay ang tricycle patungong bayan, bumili kami ng manok , at gulay at pagong na aalagaan sa bahay , nakakapanibago talaga to. Hanggang sap ag uwi , pagkatapos ng tanghalian diko pa rin alam kung ano yung “family picture” nang bihisan na ako ng magandang damit na aangkop daw sa itsura ko pati sila ate na may bagong hairbond . at nang magsisimula na raw ang picture taking, aba nagsi datingan ang aming mga pinsan na sumali sa sanay pribadong kaganapan lamang. Tuloy ang ending, sa halos lahat ng kuha ng larawan, sila ang bida at kasama haha! Ah ganon pala ang family picture, yung may gamit kang camera, at kukunan kayo ng larawan katabi ang buong pamilya! Naalala ko din pala mayroon pa ata akong larawang nakalkal kamakailan lang na hubot hubad pa ako at nagging dakilang photo boomer din ang poster ng nooy sikat na sikat na sexbomb girls sa ding ding pahiwatig na sobrang addicted ang nanay sa drama rama sa hapon. Yan at iba pang Mga larawang sasalamin at magsisilbing memorabilia ng kay sayang ala ala ng nakaraan. Ngunit higit sa lahat tatapusin ko ang kwentong ito sa pamamagitan ng isang aral. Aral na ang karanasan ng isang bata ay di mapapantayan ng kahit ano pa mang bagay. Oo ngat nadadagdagan ang aking taon ngunit hindi nababawasan ang mga magaganda at makukulay na nakaraan ng aking pagka bata sa piling ng masayat payak na pamilya. Hay, ang sarap talagang balikan ang mga ipinintang larawan ng ating nakaraan na sa ngayo’y maniwala ka man o hindi gustonggusto mo talagang balikan ito ang kahapong waring hindi mo pa alam kimkimin ang sakit at indahin ang problema.
Comentarios